Ad banner
Ad banner

MGA ANAK NG HARI NG AGIMAT NA SI RAMON REVILLA SR

MGA NAGING ANAK NG HARI NG AGIMAT NA SI RAMON REVILLA SR

Si José Acuña Bautista Sr., na mas kilala bilang Ramón Revilla Sr. o simpleng Ramón Revilla, ay ipinangak noong Marso 8, 1927 at natapos ang kanyang takbuhin sa buhay nitong Hunyo 26, 2020. Siya ay isang kilalang aktor ng mga Pelikulang Pilipino at nagsilbi ring Senador ng Republika ng Pilipinas.

Kilala siya bilang “Hari ng Agimat” sa mga pelikulang Pilipino. Kilala sya sa pagganap ng mga karakter nina Pepeng Agimat at Nardong Putik.

Noong November 2011, ang writer na si Portia Ilagan ay isiniwalat sa isang panayam sa ABS-CBN na ang actor na si Ramon Revilla Sr. ay mayroong 72 mga anak mula sa 16 na iba’t-ibang babae. Dagdag pa ni Portia na 38 lamang ang naaalala umano ni Ramon Revilla Sr. na nagdadala ng kanyang pangalan.

Samantala, noong 2008 sa isang panayam sa PEP.ph ay kinumpirma ng isa sa mga anak ni Ramon Revilla na si Rowena Bautista Mendiola at sinabing 45 silang lahat ay mayroon daw anya siyang listahan sa mga ito.

Ngayon mga kasama ay kilalanin natin ang ilan sa mga kilalang anak ng hari ng Agimat.

1. Bong Revilla
Si Bong ay isang kilalang Aktor at Senador sa ating bansa. Ipinangak sya noong September 25, 1966.

2. Ram Revilla
Si Ram ay isa ring aktor at nakilala sa pagganap bilang Jeff Gatdula sa pelikulang Tonyong Bayawak. Pinatay si Ram noong Oktubre 28, 2011.

3. Ramon Joseph Bautista
Si RJ ay inakusahan noon bilang isa sa mga nasa likod ng pag paslang sa kanyang kapatid na si Ramgen. Noong nakaraang taon ay na acquit siya sa kaso dahil sa kawalan ng matibay na ebedinsya.

4. Andrea M. Bautista
Si Andrea ay isang artista at producer na nakilala sa mga pelikulang Dang-Dong noong 1980, Tropang Bulilit noong 1981 at Resikulo noong 2007.,

5. Strike Bautista
Sa edad ng 25 ay pinasok na si Strike and mundo ng politika. Dati syang naging Mayor ng Bacoor. Na appoint din sya bilang isa sa mga members ng PCSO board of directors noong 2005 ng dating Pangulong Gloria Makapagal Arroyo.

6. Ramona Belen Bautista
Si Ramona ang isa pa sa mga nasangkot na anak sa pagpanaw ni Ram. Sa kasagsagan ng mga pangyayari noon ay umalis ng bansa si Ramona at nagtago di umano sa Turkey sa edad na 22.

7. Marion Bautista
Si Marlon ay isang producer na nakilala sa mga pelikulang Bertud ng Putik noong 2003, Hulihin si Tiagong Akyat noong 1973 at APO:Kingpin ng Maynila noong 1990.

8. Evelyn Bautista
Si Evelyn ang asawa ng kilalang PBA Legend at Dating sinador na si Robert Jaworski. Siya ang panganay na anak ni Ramon Revilla Sr.

9. Rebecca Bautista Ocampo
Siya ay kilala bilang si Princess Revilla. Isa syang dating actress. Noong 2008 ay sinampahan siya at ng kanyang asawa na si Dr. Gregorio Ocampo ng kaso ng isang sa kanilang kasambahay dahil umano sa pambubugbog.

10. Rowena Mendiola
Siya ay isa ring aktres at producer ng mga pelikulang Resiklo noong 2007, Bertud ng Putik noong 2003 at Ang Panday noong 2009. Nagsilbi rin sya bilang isang Sangguniang Panlungsod ng Syudad ng Bacoor.

11. Ragelyn Gail Mendiola
Si Gail ay isa rin sa mga sinampahan ng kaso noon ni Ramgen.

Narito pa ang 7 na wala masyadong impormasyon na makukuha sa internet dahil sa siguro ay masyadong naging pribadi ang kanilang mga buhay.

12. Raphael Julius Bautista
13. Reuben Jesse Bautista
14. Abigail Bautista
15. Ram Joshua Bautista
16. Ramlyn Gabrielle Bautista
17. Dianne Bautista
18. Ragene Anne Bautista

Yan nga mga kasama ang 18 lamang sa mga naging anak ni Pepeng Agimat. Ang karamihan sa kanyang mga naging anak ay pribado ang naging buhay. Kung totoo man na umabot ng 45 ang anak ni Pepeng Agimat ay talaga ngang hawak nya ang tunay na anting-anting na nagpa-ibig sa 16 na babae.

Bagaman kamangha-mangha ay mismong si Pepeng Agimat na ang nagsabi na hindi ito dapat ipagmalaki.

Salamat kasama sa inyong panood. Magsubscribe na sa aming munting channel kung di ka pa nakapagsusubscribe upang lagi kang una sa mga ganitong klaseng video.

#Subscribe4More
#LikeThisVideo
#RamonRevillaSr
#MgaAnakNiRamonRevillaSr

source

(Visited 8 times, 1 visits today)

You Might Be Interested In

LEAVE YOUR COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *